2 patay sa pananaga sa tagayan

September 2, 2022

Tepok ang dalawang lalaki matapos walang habas na pagtatagain ng kanilang kainuman sa Alamada, Cotabato, Miyerkules.

Sa ulat ng Alamada Municipal Police Station at alas – 8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa Sitio Baing, Brgy. Barangiran.

Kinilala ang mga biktimang sina Rolando Salcedo, 56, at Felix Arigola, 74, habang ang suspek naman ay si Richel Nicor, 33, dating manugang ni Salcedo na pawang mga residente sa Sitio Baing, Barangay Barangiran Alamada Cotabato.

Masayang nag-iinuman noon ang mga biktima kasama ang suspek nang bigla na lamang ungkatin nito na gusto nitong makipagbalikan sa anak ni Salcedo.

Wala namang masamang ibig sabihin ay pinatuhan umano ni Salcedo si Nicor na ayaw na mag-move on na dahil ayaw na umano sa kanya ng anak dahil sa pagiging lasinggero nito at iresponsable sa kanyang pamilya.

Nagalit umano ang suspek at walang ano-anong pinagtataga ang dating biyenan habang tinangka naman umawat ni Arigola subalit maging siya ay pinagtataga na rin sa iba’t-ibang parte ng katawan.

Matapos ang krimen tumakas ang suspek habang dinala naman sa ospital ang mga biktima ngunit dineklarang dead on arrival.

Agad namang nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya at tauhan ng barangay na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek na nahaharap sa kasong double murder.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial