RR Enriquez, nilaglag

Inilaglag ang aktres at TV personality na si RR Enriquez ng kanyang longtime boyfriend na si Jayjay Helterbrand at inaming bet na bet daw nito kapag mayroon siyang bashers.

Naging guest kasi ang basketbolista sa bagong YouTube channel ng kanyang dyowa kasama ang dating basketball player at kaibigang si Rico Maierhofer.

“Ito bro, she likes it when she has bashers. Kaya siya nag-eenjoy, Gustong- gusto niya ‘yan,” sabi ni Jayjay patungkol sa dyowang si RR na sinegundahan naman niya.

“‘Yung mga bashers talaga akala nila napipikon ako pero natatawa ako,” saad ni RR.

Sey naman ni Rico na kaibigan ng dalawa ay hindi naman daw dapat i-bash ang tinaguriang “SawsaweRRa Queen” sa social media.

“Instead na i-bash niyo, idolize niyo. Siyempre lahat naman tayo gusto natin mag-travel, gusto natin pahiga-higa lang. So dadating ‘yung point na ‘yun by hardwork. So pinagdaanan mo na ‘yung hardwork kaya ini-enjoy mo na,” pahayag ni Rico patungkol kay RR.

Matatandaang nitong taon ay naging maingay ang pangalan ng dating “Wowowing dancer at TV host dahil sa pagbibigay niya ng kanyang mga opinyon ukol sa mga latest chika sa showbiz.

Una na nga rito ang pakikisawsaw ni RR noon sa isyu nina Mark Herras at dati nitong manager na si Lolit Solis.

Kinampihan niya si Mark at sinabing hindi naman tama ang ginawa ni Manay Lolit sa dating alaga at lalo pa niya itong nilugmok sa kahihiyan nang ibahagi niya ang panghihiram ng aktor sa kanya.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial