Catriona Gray, hindi nagpatalbog

September 1, 2022

Hindi nagpatalbog si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa Vogue Philippines gala last Monday dahil talagang sizzling ang kanyang attire na ayon sa dalaga ay gawa sa “recycled polyurethane plastic bottles.”

Proud na proud na inirampa ng TV host at beauty queen sa nasabing fashion event ang suot niyang nvironment-friendly na gawa ng designer na si Jaggy Glarino.

Ipinost ni Catriona sa kanyang Instagram account ang kanyang mga pictures na kuha sa naturang gala night na dinaluhan din ng mga sikat at kilalang celebrities.

“Sustainability but make it Vogue,” ang paandar na pagbabahagi ni Catriona sa kanyang white dress na may design na mga roses na gawa mula sa recycled plastic bottles. “In such awe of how plastic bottles became this sculptural masterpiece. Such an honor to elevate Filipino talent and creativity on such an exciting event for our country.”

Of course, kasama ni Catriona sa naganap na Vogue Philippines gala ang kanyang boyfriend na si Sam Milby.

Naka-bonding din niya uli sa nasabing event ang mga kapwa niya beauty queens na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss International 2016 Kylie Verzosa, at Miss World 2013 Megan Young.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial