Anne Curtis, napaiyak

Napaiyak nang todo ang aktres at TV host na si Anne Curtis nitong nakaraan nang mapag-usapan ng mga kapwa niya hosts sa isang episode ng “It’s Showtime” kung sinu-sino ang mga itinuturing nilang mga tunay na superhero sa totoong buhay.

Naging emosyonal si Anne nang sabihin niyang ang asawa niyang si Erwan Heussaff ang itinuturing niyang bayani ng kanyang buhay.

“Ako siguro, ang hero ng buhay ko, like Sisterette (Vice), kung may Ion siya, ako naman may Erwan. He is my superhero, super dad, ganu’n yata talaga,” sabi ni Anne at pagkatapos sabihin ito ay napaiyak na nga siya.

“That’s why he’s really an everyday hero. Forever and ever,” saad pa niya.

More than a year na nawala si Anne sa “It’s Showtime” matapos mag-leave nang mabuntis kay Dahlia Amelie. Nagtungo sila ni Erwan sa Australia noong December, 2019 para doon isilang ang anak.

Ikinasal naman sina Anne at Erwan noong November 12, 2017 sa Queenstown, New Zealand.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial