Anak todas sa ex ni nanay

Mistulang ang isang dalagita ang siyang sumalo sa ganti ng umano’y ex ng kanyang ina matapos na siya ang mapagbuntunan ng galit nito at pagsasaksakin hanggang sa mapatay sa Biñan, Laguna, nitong Linggo.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Jonaflor Gura (18) ng Barangay Timbao, Biñan, habang ang suspek ay kinilala ring si Joyson Abejuela.

Sa imbestigasyon ng Biñan Police, napagalamang gusto umanong makipagbalikan ng suspek sa ina ng biktima ngunit tila ayaw na nito.

Doon galit na nagtungo sa bahay nila ang suspek, ngunit nang makitang wala ang kanyang ex at ang anak lang nitong biktima ang naroon ay siya ang pinagdiskitahan nito.

Base sa salaysay ng ilang testigo ay narinig umano nilang humihingi ng saklolo ang biktima sa mga awtoridad dahil may lalaki umanong gusto pumasok sa kanilang tahanan.

Huli na nang dumating ang mga ito dahil nakabulagta na’t walang buhay ang biktima habang naliligo na sa kanyang sariling dugo.

Nakatakas naman ang suspek, ngunit kalauna’y naaresto rin sa Las Piñas sa hot pursuit.

Nahaharap ang suspek sa kasong murder.


Read more Daily Tribune stories at: https://tribune.net.ph/

Follow us on social media
Facebook: @tribunephl
Youtube: TribuneNow
Twitter: @tribunephl
Instagram: @tribunephl
TikTok: @dailytribuneofficial