Connect with us

Concept News Central

Kris Bernal, nagbenta ng Adele concert ticket

Published

on

Kahit nalulungkot at nadidismaya ay inihayag ng aktres na si Kris Bernal na kailangan na niyang ibenta ang biniling ticket nila para sa concert ng award-winning international singer na si Adele na gaganapin sa London.

Ayon sa aktres, mukhang hindi na nga matutuloy ang plano nilang pagpunta sa United Kingdom upang mapanood ang pinakaaabangang concert ni Adele sa Hyde Park London sa July 1.

Saad ni Kris, nararamdaman niya na hindi na sila mabibigyan ng UK visa ng asawang si Perry Choi na siyang kailangan sa pagpasok sa naturang bansa kaya naman malamang raw ibenta na lamang nila ang dalawang concert tickets na nabili nila sa pre-selling ng tickets online noong October, 2021.

“WE HAVE NO CHOICE BUT TO SELL OUR ADELE CONCERT TICKETS (weary face, praying hands emojis). You may recall that we were able to score #Adele concert tickets during its preselling last October 2021. We figured that since we had tickets, we might as well spend our honeymoon touring the UK and Europe for a month,” saad ni Kris sa kanyang social media post.

Kasabay nito, bumili na rin daw sila ng airplane tickets para makapamasyal na rin sa London at Europe, pero mukhang mapupurnada pa nga dahil wala pa silang UK visa na inaplayan nila six weeks ago pa.

“We’ve already scheduled a flight for June 28, with London as our first stop to see Adele’s concert. We applied for a visa to the UK six weeks ago and have yet to receive it (crying face emoji). As the flight and concert approaches, we have no choice but to sell our #AdeleTickets (pleading face emoji). Heartbreaking as to see Adele perform face to face has always been at the top of my bucket list and a dream of mine,” sabi pa ng aktres.

Patuloy pa niyang pagsusumbong sa kanyang IG followers, “If anyone is interested to buy our #AdeleConcertTickets #EasyOnMe, don’t hesitate to send me a DM. We are selling it at a reasonable price just to cover the costs of the tickets and rebooking flight. (praying hands emoji).”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement