Connect with us

Concept News Central

Janine Gutierrez, relate sa bagong pelikula

Published

on

Game na game na sumabak sa “totropahin o jojowain” challenge si Janine Gutierrez at si Paulo Avelino sa bago nilang romantic hugot movie na “Ngayon Kaya” na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Naniniwala ang dalaga na maraming makaka-relate sa kuwento ng “Ngayon Kaya” lalo na yung mga naguguluhan at hindi pa rin makapag-decide kung totropahin o jojowain ba nila ang isang kaibigan.

“Gusto kong pinapanood yung mga ganitong klaseng kuwento. Kasi after, parang napapaisip ka sa sarili mong buhay kung ano pa ba yung mga dapat mong sabihin na hindi mo nasabi,” sabi ni Janine.

“Or parang it serves as a reminder na huwag mong masyadong ipagpabukas yung mga kailangan kong sabihin. Lalo na last two years, di ba, natutunan nating lahat na hindi sigurado kung ano ang mangyayari bukas. So, I like how it works as a vehicle to parang look at yourself and your own life, at yung mga mahal mo sa buhay,” dagdag niya.

Si Paulo naman, super-relate din umano sa mga naging karakter nila sa pelikula.

“Parang ako yun. Parang ako siya, e. Kumbaga, buong buhay ko, hindi naman ako masyadong nagsasalita. Computer lang ang inaatupag ko. So, pagdating sa pag-ibig or sa crush mo, parang ano ka lagi, parang dinadaan mo lang lagi sa friendship dahil hindi mo alam kung may pag-asa ka o hindi. Ayun, at wala ka ring perang pam-vape,” sabi ni Paulo.

Samantala, aminado si Janine na idol talaga niya si Paulo kahit noong wala pa siya sa ABS-CBN.

“And I was really happy to be able to work with him. I always wanted to. Pinapanood ko yung mga pelikula niya. And noong nalaman ko na on board siya sa project, parang du’n ko na-realize na, even more, na talagang maganda yung materyal. Ang ganda ng pagkasulat. Ahhm, yun. So, excited talaga,” sabi ni Janine.

Ang “Ngayon Kaya” na idinirek ni Prime Cruz at isinulat ni Jen Chuaunsu, ang unang locally-produced film na magkakaroon muli ng theatrical release sa mahigit 100 sinehan all over the Philippines after two years.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement