Connect with us

Concept News Central

Australia, may base sa Pinas?

Published

on

Medyo nakakagulat ang report na ang Australian military intelligence unit ay mayroon nang military forward base sa loob mismo ng Philippine military camp sa Zamboanga.

Ito ang lumalabas sa isang news report kung saan hindi magandang tingnan kung ating aanalisahin dahil it is provided sa ating Constitution that there should not be a foreign military base sa ating bansa.

Ito ay dahil na rin sa pagpapaalis ng US military base sa bansa dahil na rin sa pressure locally and of course internationally lalo na at dumami ang pang-aabuso ng mga US military sa ating mga kababayan.

Ang matindi pa nito ayon sa isang anonymous source, isang Astrailian ‘maritime surveillance plane’ RAAF P-8A ang lumipad palabas sa dating US Clark Air Base sa Pilipinas kamakailan at dumiretso ang flight path nito sa Paracel Islands (Xisha Islands) — na parehong inaangkin ng China at Vietnam.

Sabi nga, kung ito ay totoo malamang ang bansa nating Pilipinas enabled its mission dahil pinayagan nitong magamit ang kanyang teritoryo na puwedeng isipin na ang Amerika at mga kaalyado nito ay nag-eespiya sa China at ito ay magbubunsod o makakaapekto sa Philippines-China relations.

Kahit na maliwanag ang probisyon ng Philippine Constitution na explicitly prohibits foreign bases in the country, ang US at Australia ay mayroong military presence sa bansa nating mahal.
Uulitin po natin mga brad, na kasama sa presensiya ng Australia sa ating bansa ay ang military forward base nito sa loob mismo ng kampo military ng Pilipinas sa Zamboanga na kung titingnan maigi ay mali.

Matanong po natin, sino kaya sa opisyal ng gobyerno natin ang magbigay ng go signal para gawin ito? Ito kaya ay bunsod na rin sa kawalang kakayahan ng bansa natin na ipagtanggol ang kanyang sariling teritoryo dahil sa umano ay patuloy na encroachment ng China sa ating karagatan na pasok sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ)?

Pero kahit na, kasi mali ang ganitong taktika kasi parang we are allowing some sort of foreign intervention sa ating polisiya na directly running counter sa provision n gating Saligang Batas.

Kung ating maalala mismong si Foreign Secretary Teddy Locsin Jr. ang nagsabi at una ang ating bansa sa Southeast Asia to unequivocally support Aukus, an agreement between the US and the UK to share nuclear submarine and drone technology with Australia.

Ang teknolohiyang ito ay magagamit ng Australia para tulungan ang US in containing China in the South China Sea.

Sana masilip ito ng parating na administrasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kasi magiging irritant ito sa relasyong Philippines-China.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement