Connect with us

Concept News Central

VP TRANSITION, NAGSISIMULA NA

Published

on

Inihayag ng tagapagsalita ni incoming Vice President Sara Duterte-Carpio na sinimulan na umano ng dating Davao City mayor ang transition para sa Office of the Vice President (OVP) ilang araw na lamang bago ang pormal na panunumpa ni Duterte-Carpio para sa puwesto.

Ayon kay Liloan Mayor Christina Frasco, nakipag-communicate na umano ang vice president-elect sa OVP upang masiguro ang “smooth, orderly, and comprehensive transition.”

Samantala, inihahanda na rin ang San Pedro Square in Davao City para sa inauguration ni Duterte-Carpio sa June 19.

Sinabi naman ng tagapagsalita ni outgoing Vice President Leni Robredo – na kasalukuyang nasa New York, USA nang dumalo siya sa graduation ng kanyang anak na si Jillian — na ongoing na ang paghahanda nila para sa turnover ng OVP.

Ayon naman kay Frasco, pormal na ring nakipag-usap si Duterte-Carpio sa Office of the Secretary ng Department of Education (DepEd).

Kung matatandaan, tinanggap ni Duterte-Carpio ang alok sa kanyang maging DepEd Secretary sa administrasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nagpahayag naman si outgoing DepEd Secretary Leonor Briones nang kahandaan sa gagawing transition ni Duterte-Carpio sa kagawaran.

“As the transition process is still ongoing entailing detailed discussions on all aspects of the workings of the OVP and the DepEd, information on the completion of this process will be released once available,” saad ni Frasco.

Samantala, nagsilbing guardian si Duterte-Carpio sa estudyanteng si Angel Mae Tayaba nitong Biyernes para sa moving-up ceremony nito sa isang paaralan sa San Carlos City, Pangasinan.

Ayon kay Duterte-Carpio, nakasama niya si Tayaba sa kampanya sa halalan sa kanilang lugar sa Pangasinan.

Nagbigay aniya si Tayaba ng sulat sa kaniya kung saan tinanong nito kung maaari bang umattend ang incoming vice president sa moving-up ceremony niya dahil OFW ang nanay niya at hindi pa makakauwi.

Si Duterte-Carpio rin ang nagsabit ng medalya sa estudyante, na may honor din.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement