Concept News Central
TRAHEDYA SA DAGAT!
Published
1 month agoon

Pitong katao ang naitalang patay habang nasa 24 katao ang nasugatan nang masunog ang isang pampasaherong bangka sa karagatan na sakop ng Real, Quezon nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay Polillo, Quezon Mayor Cristina Bosque at Philippine Coast Guard (PCG), lima sa mga namatay ay babae at dalawa naman ang lalaki.
Sabi naman ni PCG spokesperson Commodore Armand Balilo, tatlo sa mga nailigtas ay nasa kritikal na kondisyon.
Base sa ulat ng PCG, may 134 na sakay ang bangka, kabilang ang walong crew members.
Ayon kay Police Major General Rhoderick Armamento, Southern Luzon area police commander, lahat ng pasahero ng bangka ay nakita na.
“’Yung pinakalatest ‘yung bata narecover na ngayon lang, minutes ago. As of this very moment, ‘yung reported na 134 passengers ay accounted na unless na may other reports pa na papasok…kanina isa na lang ang hinahanap natin, narecover na ‘yung bata na eight years old,” saad ni Armamento.
Idinagdag pa ni Armamento na ang mga opisyal ng pulis, lokal na pamahalaan, PCG, at municipal disaster risk reduction and management office ay kasalukuyang nagpupulong hinggil sa insidente.
Karamihan sa mga nasagip ay nadaanan ng mga RORO at dinala sa Real Port habang ang iba naman ay dinala sa Polillo.
Nakita na rin ang kapitan ng bangka na si John Lerry Escareces at kasalukuyang ginagamot sa Claro M. Recto Hospital.
Ayon sa PCG, idineklarang under control ang sunog sa Mercraft 2 bandang 9:33 ng umaga.
Hinila ng MV Triple Ken ang nasunog na bangka sa Baluti Island, Barangay Cawayan sa Real.
Sa ulat ng local government unit ng Polillo, umalis ang Mercraft 2 boat sa isla dakong 5 a.m. at papunta sa Real, Quezon.
Dakong 6 a.m., nag-utos ang kapitan ng bangka na iabandona ang sasakyan dahil nasusunog na ito.
Ayon kay Balilo, nasunog ang bangka 1,000 yards na lang ang layo sa pantalan ng Real.

LIKE US ON FACEBOOK

Ukraine leader accuses Russia of ‘terror’

Nearly 33,000 children flee Mozambique violence

LIBRENG SAKAY, TULOY PA RIN!

Dialogue with Suu Kyi ‘not impossible’

UK monkeypox symptoms different from prior outbreaks

DoH, hiling ang second booster dose para sa seafarers

UK bird reserves closed after suspected avian flu outbreak

Malaking tulong

U.S. protests over fatal police shooting of Black man

AJ Raval, hindi buntis

Marcos 2.0 commences

Know President’s men (2)

Marcos spends first day as president in church

Citizen Rody returns to Davao

MVP’s kind of ‘rocky road’ ice cream

More economic activities with U.S. seen

‘Running Man’ aspirant Ruru Madrid catches up

‘Bring back good life’

Palace by Pasig River, a comeback
