Connect with us

Concept News Central

Isang pagpupugay sa mga atletang Pinoy

Published

on

SALUDO ang buong bansa sa ipinakita ng Pilipinas sa katatapos lamang na 31st Southeast Asian Games kung saan nagtapos ang Team Philippines sa pang-apat na puwesto.
Nakasungkit ang mga manlalaro ng Pilipinas ng 52 gintong medalya.

Ito’y bukod pa 70 pilak, at 107 tanso.
Sa kabuuan, umabot sa 229 medalya ang nahakot ng Pilipinas sa isinagawang SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Itinanghal na overal champion ang Vietnam, na sinundan ng Thailand at Singapore.

Nakakuha ang Vietnam ng 205 gold, 125 silver at 116 bronze, samantalang 92 gold, 103 silver at 136 bronze naman ang Thailand.

Samantala, nakapagtala ang Singapore ng 63 ginto, 103 pilak at 136 tanso.

Mismong si Chief mission Ramon Fernandez na kuntento siya sa naging performance ng Pilipinas.

Sinabi ni Fernandez na masaya siya sa ipinakitang galing ng mga atleta

Binati rin ni Fernandez ang mga coach ng mga atleta.

Pinangunahan naman ng gymnast na si Carlos Yulo ang mga manlalarong Pinoy marapos na manalo ng limang ginto at dalawang pilak.

Nakuha rin ng Olympic weightlifting champion na si Hidilyn Diaz ang ginto sa women’s 55-kilogram division samantalang nakakuha naman ng tatlong gold ang Olympic bronze medalist na si Eumir Marcial sa boxing.

Nasungkit ng Pilipinas ang 9-ball at 10-ball pool event sa billiard matapos na manalo ng dalawang ginto.

Samantala, nakuha ni US Open champion Carlo Biado ang 10-ball at 9-ball naman ang isa pang Pinoy na si Johann Chua.

Ilan lamang ito sa gintong medalya na napanalunan ng Team Philippines.

Saludo tayo sa lahat ng kinatawan ng Pilipinas sa SEA Games.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement