Concept News Central
Monkeypox, dapat bang katakutan?

Published
1 month agoon

HINDI pa tapos ang pandemyang dulot ng coronavirus disease (Covid-19) ay may panibagong sakit na naman ang nagbabanta sa buong mundo.
Ito ay matapos na maiulat sa ilang bansa ang ilang kaso ng monkeypox.
Sa Canada, iniulat ang unang dalawang kaso ng moneypox nitong Huwebes ng gabi.
Nauna nang naiulat ang mga kaso ng monkeypox sa Europa at North Amerika.
Sinasabing bagamat nakahahawa ang monkeypox, hindi naman ito nakamamatay.
Nakapagtala rin ng mga pinaghihinalaang kaso sa Montreal, Quebec.
Iniulat ng mga opiyal doon ang 17 pinaghihinalaang kaso.
Ilang dosenang kaso rin ang naiulat simula nitong Mayo sa Europa at North America, kayat may mga pangamba na ito ay kumakalat na sa iba’t ibang bansa.
Sa Spain at Portugal, napakagtala ng 40 posibleng kaso ng monkeypox.
Kinumpirma rin ng Britain ang siyam na kaso simula noong 9 Mayo.
Naitala rin sa Estados Unidos ang unang kaso nito nitong Miyerkules.
Ang monkeypox ay isang uri ng hindi pa batid na sakit na karaniwang sintomas ay lagnat muscle ache, swollen lymph nodes at mga pantal sa mukha at kamay na kahalintulad ng bulutong.
Ayon sa US Centers for Disease Control and Prevention, maaaring maipasa ang monkeypox sa pamamagitan ng body fluids, monkeypox sores, sa mga damit at bedding.
Maaari namang magamit ang mga disinfectant para mapatay ang virus.
Maaari namang makarekober sa sakit makalipas ang ilang linggo at bihira ang mga kaso na nagdudulot ito ng pagkamatay.
Libo-libo mga kaso na sa iba’t ibang bahagi ng Central at Western Africa ang naitala sa mga nakipas na taon sa Europa at North Africa.
Sinabi ng World Health Organization (WHO) na iniimbestigahan na ang ulat na ito ay nakukuha sa pakikipagtalik.
Dito sa Pilipinas, naglabas na ng babala ang Department of Health (DOH) kaugnay ng banta ng monkeypox.
Sa kabila naman nito, dapat ay hindi takot ang ating pairalin, kundi dapat maging maalam sa mga nangyayari sa mundo.
Kailangan natin ang doble ingat at kung sakaling magkaroon ng kaso sa bansa ay alam natin ang dapat gawin.

LIKE US ON FACEBOOK

Wildlife traders arrested in Surigao

Go seeks disaster resilience bill support

Support for farm schools pushed

DA turns over 3 Davao projects

DOOH issues apology over former FL image

P1.1M drugs seized

DAR handing farmers insurance

NPA member killed in Negros encounter

Business confidence up in Q2 on easing restrictions

Shell expands presence in Northern Luzon

Marcos 2.0 commences

Know President’s men (2)

Marcos spends first day as president in church

Citizen Rody returns to Davao

MVP’s kind of ‘rocky road’ ice cream

More economic activities with U.S. seen

‘Bring back good life’

‘Running Man’ aspirant Ruru Madrid catches up

Palace by Pasig River, a comeback
