Concept News Central
Jane de Leon, pinayuhan ni ‘Darna’
Published
2 months agoon
By
Cheriel Lazo
Inamin ng aktres na si Jane de Leon na nakakuha siya ng payo mula sa aktres na si Angel Locsin na siyang huling lumunok ng bato bilang ang Pinay superhero na si Darna.
At ngayon ngang si Jane na ang susunod na Darna, talagang nakikinig siya sa mga advice at tips ni Angel.
“May mga binigay naman siya sa ’king mga tips,” sabi ni Jane. Dagdag pa niya, “Siyempre kailangan ko talagang maging handa physically and ready dapat ako anytime.”
Pinaalalahanan rin siya ng aktres na huwag kakalimutang alagaan ang sarili.
“Sabi niya sa ’kin kapag pagod ako, sabihin ko lang daw talaga na I need to take a rest,” saad ng dalaga.
Ikinuwento rin niya na nakapag-fit na siya ng costume na talagang magiging sorpresa sa mga manonood.
“Yung ano pa nga lang po, actually yung head dress pa lang po ‘yung sinuot sa akin, mangiyak-ngiyak na po talaga ako. Umiyak po talaga ako. After ilang years, since 2019 po kasi ako in-announce and nasukat ko yung costume last year so doon lang po nag-sink in sa akin na ‘this is it’,” sabi ni Jane.
Matatandaang unang inalok ang Darna role kay Liza Soberano ngunit sa kasamaang palad ay kinailangan nitong mag-back out dahil sa natamong injury sa daliri.
Isang mabigat na desisyon ang ginawa ni Liza dahil nga madalas na gagamitin ang kamay sa mga action scenes na maaring makapagpalala ng lagay ng kanyang mga daliri kaya naman kinakailangan niya talagang bitawan ang iconic role.
Matapos naman ang pag-atras ni Liza ay nagpa-audition ang ABS-CBN kung sino nga ba ang maaring pumalit at bumida sa Kapamilya TV series at dito na nga napili si Jane de Leon na pinakabagong gaganap bilang si Narda/Darna.

LIKE US ON FACEBOOK

BLACKPINK confirms August comeback and world tour

Oil rises after sell-off but euro stuck at 20-year low, equities drop

AirAsia Philippines ramps up operations in Malaysia

Gorgosaurus tipped to fetch $8-M at New York auction

Suspect in 4 July shooting an alienated youth with dark online persona

UP Diliman officials asked to probe alleged hazing in the university

New US study helps de-mystify Covid brain fog

ITCZ to bring rains in Phl

Nutrition Month ipinagdiriwang sa Navotas

Seized Russian assets for Ukraine rebuilding

One more time: Imelda at her prime (2)

SMC chief defends Airport City zone

Marcos meets DA officials

Marcos rolls up sleeves

Palace explains PBBM veto

Go sees bright future

DoTr seeks expansion of Libreng Sakay

Senators file priority bills

One more time, Imelda at her prime (3)
