Connect with us

Concept News Central

Anne Curtis, babalik sa ‘It’s Showtime’

Published

on

Malapit na umanong bumalik ang aktres na si Anne Curtis sa “It’s Showtime” kung saan halos tatlong taon siyang nawala at base sa mga teaser na lumalabas, hindi na maiwasan ng madlang pipol ang magsaya lalo na’t matagal na rin siyang hinhanap ng netizens.

Kahit hindi direktang sinabi ni Anne na babalik na siya sa programa, bigay na bigay na rin ang kanyang pangalan sa mga inilabas na teaser ng ABS-CBN PR sa kanilang Instagram page.

“ANNEdito na siya! Abangan sa It’s Showtime,” caption ng ABS-CBN PR sa kanilang video teaser.

Bukod pa rito ay maririnig sa teaser ang boses ng aktres habang sinasabi ang famous line nitong “My superduper fabulous, sexy, machong madlang pipol” bilang parte ng opening greetings niya sa mga manonood ng “It’s Showtime”.

“Yehey! Can’t wait to finally see you again sa It’s Showtime Ms. Anne, welcome back!” comment ng isang netizen.

Saad naman ng isa, “Wow! Ang pagbabalik ng dyosa! Excited na!”

May isa pa nga na nang-i-intriga na sa pagbabalik ni Anne ay tatabggalin na ang isa sa mga kasalukuyang hosts na si Kim Chiu.

‘Yes!!!! Kim Is out pls ang thank you!!!!” sey ng netizen.

“I’m so excited to watch Anne Curtis in tv! Hehehehe. Kailan kaya ito?” tanong naman ng isa.

Wala ring sinabi kung kailan nga magbabalik ang ina ni Dahlia sa show ngunit marami ang looking forward na makita ito ngayong darating na Sabado, May 21.

Matatandaang noong 2019 ay nagdesisyon si Anne na magpaalam nuna sa “It’s Showtime” dahil kasalukuyan niyang dinadalo noon ang panganay nila ng asawang si Erwan Heussaff na si Dahlia Amelie.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement