Connect with us

Concept News Central

Sanya Lopez, game na game

Published

on

Aminado ang aktres na si Sanya Lopez na kung mabibigyan nang pagkakataon ay nais niyang makasama ang aktres na si Glaiza de Castro sa isang tambalan na tumatalakay sa GL o “girls’ love” series.

Kung matatandaan, naging close ang dalawang aktres nang magkasama sa hit action-fantasy series ng GMA 7 na “Encantadia” kung saan gumanap sila bilang Pirena at Danaya at aminado rin ang dalawa na talagang super na-miss nila ang isa’t isa dahil matagal-tagal din silang hindi nagkikita at nagkaka-bonding.

In fairness, parehong umaariba sa ratings game ang kani-kanilang serye sa GMA, ang “False Positive” nina Glaiza at Xian Lim at ang super blockbuster romcom series nina Sanya at Gabby Concepcion na “First Lady”.

“As magdyowa, para maiba naman, para may bagong mapapanood sa amin ang mga tao,” sabi ni Sanya, habang si Glaiza naman, sinabing dapat daw ay magkaroon sila ng matindihang acting workshop para may bago silang image na ihahain sa viewers.

“Dapat meron tayong workshop dito kasi kailangan kong alisin ‘yung image mo na si Danaya or si Melody ka, matindi-tinding preparation,” sabi ni Glaiza.

“So sa atin (Sanya) para lang maalis ko ‘yung past characters ko dahil noong time na ginawa namin ‘yung Rich Man’s Daughter, ang tagal kong hindi nakatrabaho si Rhian. So, parang wala akong preconceived notion na kung sino siya so feeling ko naging instant kasi wala siyang image na katulad sa ‘yo na Danaya or Melody,” dagdag niya.

Ayon pa kay Glaiza, game na game rin siya na maka-loveteam si Sanya sa isang GL series. Aniya pa, pwede raw tawaging LoRo (pinagsamang apelyido nila na Lopez at De Castro) ang kanilang tambalan kung sakali.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement