Concept News Central
PROKLAMADO NA!
Published
2 months agoon

Pormal at opisyal nang iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) ang 12 senador na nanalo sa nakaraang 2022 national elections noong Mayo 9 na binubuo ng limang nagbabalik-Senado, apat na reelectionists at tatlong baguhan sa pulitika.
Ang proklamasyon ng mga nanalong senador ay isinagawa ng Comelec – na umuupo bilang National Board of Canvassers (NBOC) – sa Philippine International Convention Center at ang 12 nanalong senador ay magsisimula ng kanilang termino sa June 30, 2022.
Ang aktor na si Robin Padilla na tumakbo sa ilalim ng ruling party na PDP Laban ang siyang nanguna sa botohan kung saan nakakuha siya ng 26,612,434 na boto batay sa latest partial at official vote count ng NBOC.
Kasunod ni Padilla ang nagbabalik-Senado na si Antique Representative Loren Legarda, na nakakuha ng kabuuang 24,264,969 boto, habang ang broadcaster na si Raffy Tulfo ang pumangatlo sa puwesto at nakakuha ng 23,396,954 na boto
Ang reelectionist na si Senator Sherwin Gatchalian ay nasa pang-apat na puwesto na may kabuuang 20,602,655 boto, kasunod naman si Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero na nagbabalik-Senado rin at nakakuha ng 20,271,458 boto.
Pang-anim naman si dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar na may kabuuang 19,475,592 boto, habang lumapag sa ikapitong puwesto ang nagbabalik-Senado rin na si Taguig Representative Alan Cayetano na may kabuuang 19,295,314 boto.
Nasa ikawalong puwesto si Senate Majority Leader Miguel Zubiri na may 18,734,336 votes, habang si Senator Joel Villanueva naman ang nasa ika-siyam na puwesto na may 18,486,034 votes at si dating Senator JV Ejercito naman ang nasa 10th place na may 15,841,858 votes.
Sina Senador Risa Hontiveros at si dating Senador Jinggoy Estrada ang bumuo sa Magic 12 kung saan nakakuha si Hontiveros ng 15,420,807 votes at si Estrada naman ay may kabuuang 15,108,625 votes.
Sinabi naman ni Comelec chairman Saidamen Pangarungan na ang isinagawang 2022 national at local elections ay may pinakamalaking turnout ng botante na pumalo sa 83.11 percent at may pinaka-kaunting election-related violence na 16 na insidente.

LIKE US ON FACEBOOK

Ukraine leader accuses Russia of ‘terror’

Nearly 33,000 children flee Mozambique violence

LIBRENG SAKAY, TULOY PA RIN!

Dialogue with Suu Kyi ‘not impossible’

UK monkeypox symptoms different from prior outbreaks

DoH, hiling ang second booster dose para sa seafarers

UK bird reserves closed after suspected avian flu outbreak

Malaking tulong

U.S. protests over fatal police shooting of Black man

AJ Raval, hindi buntis

Marcos 2.0 commences

Marcos spends first day as president in church

Know President’s men (2)

Citizen Rody returns to Davao

MVP’s kind of ‘rocky road’ ice cream

More economic activities with U.S. seen

‘Running Man’ aspirant Ruru Madrid catches up

‘Bring back good life’

Palace by Pasig River, a comeback
