Connect with us

Concept News Central

P6M shabu nabisto sa Cebu

Published

on

Mahigit P6 million halaga ng shabu ang ang nakumpiska ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon sa Cebu.

Naaresto ng Toledo Police ang suspek na kinilalang si Christine Monte de Ramos (26) kamakalawa na nakuhanan umano ng 160 grams ng shabu (P1,088,000).

Martes naman nang maaresto si Bryan Justol (20) sa isang buy-bust sa Barangay Duljo-Fatima sa Cebu City.

Nakumpiska sa kanya ang 32 transparent sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P4,760,000.

Nahaharap ang mga naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement