Concept News Central
Magpabakuna!

Published
2 months agoon

NGAYONG Miyerkules, pinayagan na ng Department of Health (DoH) ang ikalawang Covid-19 booster shot para sa mga citizen at frontline healthcare workers sa harap naman ng banta ng Omicron subvariant BA.2.12.1.
Inaprubahan ng DoH ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na isama na ang mga senior at health workers sa mga maaari nang mabigyan ng second booster.
Nauna nang pinayagan ng DoH na makatanggap ng ikaapat na bakuna o ikalawang booster shot ang mga immunocompromised na indibidwal.
Nauna nang kinumpirma ng DoH ang lokal na transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1 kayat napapanahon ang pag-apruba ng DoH para maproteksyunan ang mga nakatatanda at mga frontliners.
Tiniyak ni Health Undersecretary Myrna Cabotaje na dumaan sa masusing pag-aaral bago maapruba ang pagbibigay ng ikaapat na bakuna sa mga senior at healthcare workers.
Idinagdag ni Cabotaje na bahagi ito ng kampanya kontra Covid-19.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na matitiyak na mabibigyan ng proteksyon ang mga priority group sa harap naman ng paghina ng bisa ng unang booster at primary series kontra sa iba’t ibang uri ng Covid-19 variant.
Ginagawa ng pamahalaan ang lahat para patuloy na maproteksyunan ang lahat ng mga mamamayan kontra sa virus kayat hindi na dapat balewalain ang mga hakbang ng pamahalaan.
Nauna nang iniulat ng DoH na pumalo na sa 17 ang mga kaso ng Omicron BA.2.12.1 subvariant.
Bagamat sinabi ng DOH na walang nakaaalarmang pagtaas ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa, dapat pa ring maging rason ito para mag-ingat ang lahat sa banta ng Omicron subvariant na BA.2.12.1.
Ayon sa mga eksperto, walong beses na mas nakahahawa ito kayat may posibilidad na ito na ang maging dominant variant sa susunod na mga araw.
Napakahalaga ngayon ng pagbabakuna at pagpapabooster para mabigyan ng proteksyon ang lahat laban sa virus.
Maswerte ang Pilipinas na bagamat ilang bansa ang nakararanas ng pagtaas ng mga kaso, kagaya ng China, nananatiling mababa rin ang mga kaso sa kabila naman ng sunod-sunod na mass gathering dahil sa nakalipas na paggunita ng Mahal Na Araw, Ramadan, kampanya at mismong eleksyon noong 9 Mayo 2022.
Libre ang mga bakuna. Kailangan lamang na pumila o pumunta sa mga health center para mabigyan ng booster.

LIKE US ON FACEBOOK

Ukraine leader accuses Russia of ‘terror’

Nearly 33,000 children flee Mozambique violence

LIBRENG SAKAY, TULOY PA RIN!

Dialogue with Suu Kyi ‘not impossible’

UK monkeypox symptoms different from prior outbreaks

DoH, hiling ang second booster dose para sa seafarers

UK bird reserves closed after suspected avian flu outbreak

Malaking tulong

U.S. protests over fatal police shooting of Black man

AJ Raval, hindi buntis

Marcos 2.0 commences

Marcos spends first day as president in church

Know President’s men (2)

Citizen Rody returns to Davao

MVP’s kind of ‘rocky road’ ice cream

More economic activities with U.S. seen

‘Running Man’ aspirant Ruru Madrid catches up

‘Bring back good life’

Marcos rejects House bill to build Bulacan Airport City
