Concept News Central
Dalaga pinulutan ng kainuman

Published
2 months agoon

Isang 17 anyos na dalaga ang ginahasa ng kanyang kainuman sa kasagsagan ng malakas na ulan sa isang kubo sa Norzagaray, Bulacan, Lunes ng madaling araw.
Sa ulat ni Norzagaray acting chief PLt. Col. Cresenciano Cordero Jr., 2:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Barangay Partida.
Kinilala ang suspek na si Aldrin Flores (18) habang ang biktima ay itinago sa pangalang Krista, Grade 10, na parehong residente ng lugar.
Sa salaysay ng biktima, inaantay umano niya ang kanyang kasama nang imbitahan siya ng suspek sa kalapit na kubo para sumilong.
Sumama naman ang biktima dahil sa walang humpay na ulan. Doon na siya niyaya ng suspek na uminom na pinaunlakan naman ng dalagita.
Sa gitna ng inuman ay agad na nalasing ang biktima at, nang makaramdam ng matinding pagkahilo, ay doon na siya inumpisahang hipuan at halikan ng suspek hanggang sa tuluyan na niya itong hubaran at gahasain.
Nang makauwi ay agad na ikinuwento ng biktima sa kanyang kapatid na lalaki ang nangyari na mabilis ding humingi ng saklolo sa pulisya. Agaran namang naaresto ang suspek.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 8353 o rape ang suspek.

LIKE US ON FACEBOOK

Wildlife traders arrested in Surigao

Go seeks disaster resilience bill support

Support for farm schools pushed

DA turns over 3 Davao projects

DOOH issues apology over former FL image

P1.1M drugs seized

DAR handing farmers insurance

NPA member killed in Negros encounter

Business confidence up in Q2 on easing restrictions

Shell expands presence in Northern Luzon

Marcos 2.0 commences

Know President’s men (2)

Marcos spends first day as president in church

Citizen Rody returns to Davao

MVP’s kind of ‘rocky road’ ice cream

More economic activities with U.S. seen

‘Bring back good life’

‘Running Man’ aspirant Ruru Madrid catches up

Palace by Pasig River, a comeback
