Connect with us

Concept News Central

50 pamilya nasunugan sa Navotas

Published

on

Hindi bababa sa 50 pamilya ang nawalan ng tirahan nang lamunin ng apoy ang isang residential area sa lungsod ng Navotas, Martes ng gabi.

Sa ulat ng Navotas Fire, 6:50 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa Sitio Puting Bato sa Brgy. North Bay Boulevard South Proper.

Agad na kumalat ang apoy dahil na rin sa kalakasan ng hangin na lalong nagpaliyab sa mga kabahayan na karamihan ay gawa sa light materials.

Mag-a-alas-otso na ng gabi nang ideklarang fire under control ang sunog ngunit dalawang oras pa ang lumipas bago ito tuluyang naapula.

Wala namang naiulat na sugatan o namatay sa nasabing sunog.

Sa ngayon ay pansamantalang tumutuloy sa basketball court sa barangay ang mga pamilyang naapektuhan ng sunog.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement