Connect with us

Concept News Central

Yukii Takashi, promising ang showbiz career

Published

on

Kahit biglaan ang pagpasok sa showbiz magandang aspiring talent ng Cornerstone Entertainment na si Yukii Takashi, umaasa siyang magiging promising ang kanyang career na nagsimula bilang TikTokerist na may mahigit 5 million followers.

At ngayon nga ay nabigyan ng pagkakataon ang dalaga nang mapili nga siyang katambal ni Albie Casino bilang co-host sa reality talent show na “Top Class: The Rise to P-Pop Stardom.”

“Simula po nu’ng bata ako ay it’s really my dream na maging artista but I think that time hindi meant for me kasi ilang beses akong naka-cut-off, ilang beses akong hindi kino-call back. And then nu’ng nangyari ‘yung pandemic out of nowhere nagulat na lang ako na nagte-trending ‘yung video ko and that’s just one post of TikTok and it got million of views and continuous po ‘yun hanggang sa na-discover ako ng Cornerstone,” sabi ni Yukii.

“I think my passion po talaga is acting and I was so happy na nagagawa ko na ngayon one step at a time. Ang sarap po palang gawin ang isang bagay lalo na kapag passionate ka na kahit gawin mo 24/7 o alam mong pagod ka in your head ay hindi mo mararamdaman kasi fulfilling ‘yung ginagawa and performing as well,” dagdag niya.

Ayon pa sa kanya, nanghihingi rin siya ng payo upang mas mapaganda pa ang pagpasok niya sa showbiz.

“Mahilig akong magtanong ng mga something and marami na akong napagtanungan ng advice at ina-apply ko talaga with evetything that I do and enjoy the process,” pag-amin ni Yukii.

Nakitaan agad ng chemistry sina Albie at Yukii during the mediacon ng “Top Class” kahit unang beses lang nilang magsasama bilang host.

Sa kasalukuyan ay may ginagawa na ring pelikula si Yukii, “I’m very, very happy po na nagagawa ko na ‘yung passion ko as well as nakakapag-perform pa ako rito.”

At bilang co-host sila ni 2018 Miss Universe Catriona Gray sa “Top Class: The Rise To P-Pop Stardom” ay talagang iba ang pakiramdam ni Yukii.

“Sobrang overwhelmed po, nae-excite po kami at kinakabahan kasi dahil Catriona po ‘yun, eh! Looking forward to work with her po and to learn pa kung ano po ‘yung puwede kong matutunan from her,” sabi ni Yukii.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement