Connect with us

Concept News Central

Jane de Leon, lilipad na

Published

on

Nalalapit na ang paglipad ng aktres na si Jane de Leon bilang Darna matapos mailabas ang latest teaser nito kung saan ipinakita ang ilang iconic scenes dito at ang mga bagong pasabog na inihanda ng production para sa mga Kapamilya viewers all over the universe.

Makikita sa teaser-trailer ang ilang maaaksyong eksena sa “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” na pinagbibidahan nga ni Jane kasama sina Joshua Garcia, Iza Calzado and Zaijian Jaranilla.

Dito nga unang napanood ang pagsigaw ni Jane bilang Narda/Darna ng “Ding, ang bato!” na siyang hudyat ng kanyang astig na transformation bilang iconic superhero.

Makikita rin dito ang paghahagis ni Ding kay Narda ng mahiwagang bato. Si Zaijian Jaranilla ang gaganap na Ding sa serye, ang kapatid at sidekick ni Darna.

Makikita rin sa teaser na inilabas ng ABS-CBN si Narda na binabalaan ng kanyang inang si Leonor (Iza) sa pagdating ng mga kalaban sa kanilang lugar.

Kasunod nga nito, agad na sumailalim sa matinding training si Narda kung saan ang mismong ina niyang si Leonor na siyang unang Darna ang nagturo sa kanya.

At kapag handang-handa na ang kanyang anak sa pakikipaglaban sa mga kampon ng kadiliman, ipapasa na niya rito ang mahiwagang bato na nagmula sa isang mythical warrior sa Planet Marte.

Ipinasilip din sa teaser din ng “Mars Ravelo’s Darna: The TV Series” si Janella Salvador as Regina, ang abogado na nagta-transform bilang si Valentina na magiging mortal na kalaban ni Darna.

Nasa trailer din si Joshua Garcia na gaganap bilang si Brian, ang police officer na makakatrabaho ni Narda bilang EMT.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement