Concept News Central
Chinese nationals, arestado sa kidnapping
Published
2 months agoon

Inaresto ng mga otoridad sa Pampanga ang Chinese nationals na sangkot umano sa pagdukot sa isang Vietnamese.
Ayon sa mga ulat, Mayo 11 nang dukutin ng mga hindi pa nakikilalang lalaki ang biktima sa Makati City. Iniulat ito sa tanggapan ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group noong ika-13 ng Mayo.
Sa pakikipag-ugnayan sa pamilya ng biktima, idineposit ang ransom demand na P600,000 sa account ng mga kidnapper sa Fontana Casino sa Clark, Pampanga kung saan namonitor din ang pagwithdraw nito.
Bandang 11:00 p.m., pinakawalan ang biktima sa harap ng isang food chain sa Angeles City. Sa pagkakaligtas sa biktima, ikinwento nito ang mga ginawa sa kanya.
Ayon sa biktima, bago ang kanyang paglabas sa gusali, isang hindi kilalang Filipinong drayber ang nagdala sa kanya sa nasabing lugar gamit ang isang pulang kotse.
Sinabi rin niya na dinala siya sa ika-6 na palapag ng isang hotel sa Mabalacat City.
Kaagad na nagtungo ang mga operatiba ng AKG sa nasabing hotel at nakipag-ugnayan sa mga security personnel na kinumpirmang kapapasok lamang ng hinahanap na pulang kotse.
Sa paghahanap sa parking lot, 3 Chinese ang biglang dumating sa parking area. Ang isa sa kanila, nakaposas pa.
Kaagad na inaresto ang 2 Chinese nationals na aktong tatakas at napag-alaman rin na isa pang biktima ng pagdukot ang Chinese na nakaposas.
Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong kidnapping at serious illegal detention.

LIKE US ON FACEBOOK

Support for farm schools pushed

DA turns over 3 Davao projects

DOOH issues apology over former FL image

P1.1M drugs seized

DAR handing farmers insurance

NPA member killed in Negros encounter

Business confidence up in Q2 on easing restrictions

Shell expands presence in Northern Luzon

Debt ratio ‘manageable’, pre-pandemic level a challenge

Balai Ni Fruitas Inc. marks stock market debut

Marcos 2.0 commences

Know President’s men (2)

Marcos spends first day as president in church

Citizen Rody returns to Davao

MVP’s kind of ‘rocky road’ ice cream

More economic activities with U.S. seen

‘Bring back good life’

‘Running Man’ aspirant Ruru Madrid catches up

Palace by Pasig River, a comeback
