Connect with us

Concept News Central

Booster shots, dapat paigtingin!

Published

on

Nananawagan si Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa pamahalaan na gamitin na umano ng Pilipinas ang ipinatutupad na guidelines US Centers for Disease Control and Prevention para sa pagbabakuna ng ikalawang booster shot kontra coronavirus disease (COVID-19) sa gitna ng banta ng sinasabing mas nakahahawang sublineage ng Omicron na BA.2.12.1.

Ayon kay Concepcion, mahalagang panatilihing mataas ang proteksyon kontra COVID-19 dahil patuloy ang pagsulpot ng bagong subvariants sa ibang bansa.

Sa ilalim kasi ng US CDC guidelines, kwalipikadong tumanggap ng ikalawang booster hindi lang adults na moderately at severely immunocompromised o mahina ang immune system, kundi pati mga batang edad 12 pataas na pasok sa naturang grupo, mga indibidwal na edad 50 pataas, at adults na tumanggap ng dalawang doses ng Johnson and Johnson COVID-19 vaccine, basta lumipas na ang higit apat na buwan mula nang mabakunahan ng unang booster.

Sa Pilipinas, immunocompromised adults pa lang ang inirekomenda ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na mabakunahan ng karagdagdang booster. Nasa 30,912 pa lang ang tumanggap nito.

“Medyo nababagalan ako dito sa mga approval process. We’re just putting a sense of urgency. Kasi maganda na ang kalagayan natin… sayang eh. All these new found freedom, mobility… That’s why you have to be sure that the wall of immunity is still there. So far most of the medical doctors see that there is no immediate threat. But it doesn’t mean that we should be complacent,” sabi ni Concepcion.

“Na-approve ng CDC para sa mga Amerikano. What’s the difference? Pareho naman ang mga bakunang ito, mga brands na ito: Moderna, Pfizer, J &J? Why are we waiting for WHO? Other countries already have their rules. Some follow the CDC. Some have their own. Dito sa atin naka-stalemate tayo. Sayang naman ito. Let’s move. It’s not like we should just relax and take our time… The economy is at stake. We have to protect our people. We have to protect our economy,” dagdag niya.

Dagdag pa ni Concepcion, kailangang gamitin ang mga bakuna lalo na’t maaaring mag-expire ang mga ito.

“We have 90 million vaccines. These vaccines will not last for years. It will expire, definitely. So how do we use them?…Masasayang ‘yung mga binili natin. At eventually we can see waning immunity that is happening right now,” saad ni Concepcion.

Samantala, sinabi naman ni National Vaccination Operations Center (NVOC) chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje na may rekomendasyon na ang HTAC at guidelines ang NVOC kaugnay ng rollout ng ikalawang booster shot sa healthcare workers at senior citizens. Pero inaantay pa ang written recommendation mula World Health Organization, na requirement sa ilalim ng Republic Act 11525.

“Sa HTAC recommendation, mayroon na silang ibinigay na recommendation last Friday. Dapat i-out na ‘yung guidelines for second booster ng A1 healthcare workers, at saka A2 ‘yung ating senior citizens. Pero may nilagay kasi sila doon na hindi nila natanggap ‘yung WHO written requirements. ‘Yun ang inaasikaso natin. ‘Pag labas ng WHO written requirement, pwede nating ipalabas anytime ‘yung ating guidelines,” sabi ni Cabotaje.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement