Connect with us

Concept News Central

Karagdagang benepisyo sa mga kawani, iiwan ni Rody

Published

on

IIWAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karagdagang benepisyo para sa mga manggagawa matapos namang pirmahan ang bagong batas na nagbibigay ng night shift differential para sa mga empleyado ng pamahalaan.

Niligdaan ni Duterte ang Republic Act 11701 kung saan, babayaran ang mga kawani bukod pa sa kanilang overtime.

Sa ilalim ng RA 11701, pasok din ang mga manggagawa sa mga government-owned or -controlled corporations. Sakop ng batas ang mga empleyado mula sa division chief pababa, kahit pa sila ay permanente, kontraktwal o kaswal.

Tatanggap sila ng night shift differential na hindi lalagpas sa 20 porsiyento ng kada oras ng kanilang basic pay sa pagitan ng alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan.

Hindi naman sakop ng karagdagang kompensasyon ang mga empleyado na ang pasok ay mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi.

Babayaran naman ang overtime ng mga manggagawang nagtrabaho ng lagpas sa kanilang oras.

Hindi rin pasok ang mga kawani ng pamahalaan na on call ng 24 oras sa isang araw kagaya ng unipormadong miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology, Bureau of Fire Protection.

Kukunin ang pondo mula sa kasalukuyang General Appropriations Act.

Magmumula naman ang pondo para sa mga empleyado ng GOCCs at lokal na pamahalaan sa kanilang budget.

Mahigit isang buwan na lamang ang termino ni Duterte, bagamat tuloy-tuloy pa rin ang pamamahagi ng benepisyo para sa mga kawani ng pamahalaan.

Malaking bagay ito sa harap naman ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin, bunsod ng paggalaw ng presyo ng langis.

Umaasa naman ang lahat na tuloy-tuloy ang pagbibigay ng benepisyo sa mga empleyado ng pamahalaan sa pag-upo ni presumptive president Bongbong Marcos.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement