Concept News Central
Dagdag-honoraria, aprubado na!
Published
2 months agoon

Inihayag ng Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes na inaprubahan na nito ang pagbibigay nang dagdag na honoraria para sa mga guro at poll workers na kinailangang mag-overtime dahil sa mga pumalyang vote-counting machines (VCM).
Ayon kay Comelec commissioner George Garcia, aprubado na umano ang nasabing dagdag “in principle” at napag-usapan na umano ito ng Comelec en banc.
Kung matatandan, nasa 2,000 VCM ang nagkaaberya noong araw ng halalan kaya pinalawig ang voting hours para sa mga apektadong botante.
Subalit kahit hindi pa binabanggit ng Comelec kung magkano ang ibibigay na dagdag-kompensasyon sa poll workers, nangako ito na across-the-board ang dagdag o para sa lahat ng nag-overtime dahil sa pumalyang VCM.
Noong weekend, iminungkahi ng Department of Education (DepEd) na gawing P3,000 ang additional pay.
Umabot, halimbawa, hanggang Tandang Sora Avenue ang pila ng mga botante mula sa gate ng Culiat Elementary School sa Quezon City noong Mayo 9 bunsod umano ng sirang VCM sa ilang presinto sa paaralan.
Inumaga na ang mga guro at iba pang poll worker at watcher sa pag-feed ng mga balota, pag-print ng paper trail, at pag-transmit ng mga boto.
Samantala, sang-ayon sa panukala ng DepEd ang Alliance of Concerned Teachers, na nagbigay na rin sa Comelec ng paunang listahan ng higit 1,000 electoral board members na nagtrabaho ng higit 24 na oras mula Mayo 9.
Nangako naman si Garcia na hindi lang mga guro ang mabibigyan ng dagdag-bayad.
“Pati mga nagsilbi na mga support staff, ‘yong mga technician diyan sa mga presinto na ‘yan. Kinakailangan na sila ay pantay-pantay na matatanggap,” saad ni Garcia.
Pinasalamatan naman ng DepEd ang mga guro sa kanilang ambag sa mapayapang halalan at tiniyak ng ahensiyang tuloy-tuloy ang pakikipag-ugnayan nito sa Comelec para sa pagbibigay ng election honoraria at iba pang allowance.

LIKE US ON FACEBOOK

Ukraine leader accuses Russia of ‘terror’

Nearly 33,000 children flee Mozambique violence

LIBRENG SAKAY, TULOY PA RIN!

Dialogue with Suu Kyi ‘not impossible’

UK monkeypox symptoms different from prior outbreaks

DoH, hiling ang second booster dose para sa seafarers

UK bird reserves closed after suspected avian flu outbreak

Malaking tulong

U.S. protests over fatal police shooting of Black man

AJ Raval, hindi buntis

Marcos 2.0 commences

Know President’s men (2)

Marcos spends first day as president in church

Citizen Rody returns to Davao

MVP’s kind of ‘rocky road’ ice cream

More economic activities with U.S. seen

‘Running Man’ aspirant Ruru Madrid catches up

‘Bring back good life’

Palace by Pasig River, a comeback
