Connect with us

Concept News Central

Chie Filomeno, may scandal?

Published

on

Hindi pinalampas ng sexy star na si Chie Filomeno ang mga tsismis na mayroon umano siyang sex scandal na ikakalat sa social media at hinamon niya ang mga netizens na ilabas ang nasabing video.

Kamakailan kasi ay may mga lumutang sa social media na may ilalabas daw ang isang netizen na adult video na umano’y “pinagbibidahan” ng dalaga at ng dancer-actor na si Zeus Collins.
Ayon sa dalaga, fake news lamang ito at naghamong maglabas ng ebidensiya ang nagpapakalat ng malilisyosong chika laban sa kanya

Ni-repost pa niya ang ipinakalat ng netizen na pinagdikit na litrato nila ni Zeus sa kanyang Facebook at Twitter accounts kung saan makikita ang malisyosong caption na, “Only legends understand.”

“Ano source mo? FB sure ball. Pag sure uy kung totoo mga pinag popost niyo sa FB, kung mag uungkat kayo siguraduhin niyo totoo, wag paulit ulit at wag kayo mangdamay ng ibang tao. ISSUE YARN?” saad ni Chie.

“Ano Megan San Miguel dali share mo yung video, siguraduhin mo lang hindi mo sasayangin ang oras nila ah? Lalo na oras ko. Dali send mo sa akin. Maninira ka pa ah. Bardagulan gusto niyo eh. Paulit ulit na issue ah nakakasawa na,” dagdag niya. “Siguraduhin mong hindi mo sasayangin yung mga oras ng nagpasend dito ah.”

Kung may mga naniwala sa sinasabing video scandal umano ni Chie, marami namang mga netizens ang nagtanggol sa dalaga.

Sa kanyang IG page, nag-post uli si Chie ng kanyang bikini photo at video nitong Sabado, May 14, na may caption na, “Hates fake news.”

Samantala, may mga naglabasan ding reaksyon umano si Zeus Collins sa ilang entertainment vlogs kung saan mariin din niyang pinabulaanan ang sinasabing video scandal daw nila ni Chie.
Ngunit burado na ang nasabing post ni Zeus sa kanyang social media accounts.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement