Concept News Central
Bea Alonzo, game sa John Lloyd reunion
Published
2 months agoon
By
Joy Asagra
Aminado ang aktres na si Bea Alonzo na hindi umano imposibleng magkaroon sila ng reunion project ng aktor na si John Lloyd Cruz na matagal na nilang gustong mangyari, kaya naman ngayon pa lamang ay inaabangan na ng loyal fans nila ang muling pagsasama nila sa isang teleserye o pelikula.
Sabi ni Bea, dream talaga nila ni Lloydie na makagawa uli ng proyekto lalo na nga ngayong magkasama na sila sa GMA 7 at maghintay lamang umano ang mga supporters nila ni Lloydie kapag natapos na ang taping nila ni Alden Richards sa first teleserye niya sa GMA 7 na “Start-Up”.
Kung magtutugma raw ang schedule nila ng Box-Office King ay malaki ang posibilidad na matuloy ang kanilang dream reunion project.
“Lahat ito ay magdedepende pa sa time naming dalawa kung magtutugma at magdedepende pa sa script kung mababasa na ni John Lloyd and if he will agree to doing it,” sabi ni Bea.
“It’s very exciting and nakaka-flatter din kasi kahit na sobrang tagal na naming magkapareha hindi pa rin nawawala ‘yung interes nila sa amin,” dagdag niya.
Samantala, abot-langit naman ang pasasalamat ni Bea sa lahat ng kanyang YouTube subscribers dahil umabot na sa 100 episodes ang kaniyang vlog, na sinimulan niya noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
“This is very meaningful to me kasi personally minsan lang ako nakagagawa ng mga bagay consistently. And I’m very proud that I was able to do this,” sabi ng dalaga.
Ibinahagi rin ng dalaga ang naganap na event kamakailan kung saan nakasama niya ang ilan niyang fans sa panonood ng kanyang vlogs.
“Siguro ‘yun ‘yung mas pinakamalaking nagawa sa akin nitong vlog. Like nagkaroon ako ng mas malalim na connection and friendship with my fans,” saad ni Bea.

LIKE US ON FACEBOOK

Ukraine leader accuses Russia of ‘terror’

Nearly 33,000 children flee Mozambique violence

LIBRENG SAKAY, TULOY PA RIN!

Dialogue with Suu Kyi ‘not impossible’

UK monkeypox symptoms different from prior outbreaks

DoH, hiling ang second booster dose para sa seafarers

UK bird reserves closed after suspected avian flu outbreak

Malaking tulong

U.S. protests over fatal police shooting of Black man

AJ Raval, hindi buntis

Marcos 2.0 commences

Marcos spends first day as president in church

Know President’s men (2)

Citizen Rody returns to Davao

MVP’s kind of ‘rocky road’ ice cream

More economic activities with U.S. seen

‘Running Man’ aspirant Ruru Madrid catches up

‘Bring back good life’

Palace by Pasig River, a comeback
