Connect with us

Concept News Central

Wage board inaprubahan ang P33 umento sa sahod sa MM

Published

on

INAPRUBAHAN ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang 33 umento sa sahod sa Metro Manila, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa isang pahayag, sinabi ng DOLE na nangangahulugan ito na aabot na sa P570 ang arawang sahod para sa mga empleyado sa non-agriculture sector at P533 naman para sa agriculture sector.

“It is expected to protect around one million minimum wage earners in private establishments in the region from undue low pay. The increase considered the restoration of the purchasing power of minimum wage earners because of the escalating prices of basic goods, commodities, and petroleum products,” sabi ng DOLE.

Idinagdag ng DOLE na huling nagpatupad ng taas sahod sa National Capital Region (NCR) noong 22 Nobyembre 2018.

Samantala, inaprubahan din ng regional wage board ang P55 dagdag sahod para sa mga manggagawa sa Western Visayas.

Nangangahulugan ito na aabot na sa P450 ang arawang sahod sa Western Visayas.

“It is expected to protect around 214,836 minimum wage earners in private establishments in the region from undue low pay. The increase considered the restoration of the purchasing power of minimum wage earners because of the escalating prices of basic goods, commodities, and petroleum products as well as to bring the minimum wage rate above the 2021 first semester poverty threshold,” dagdag ng DOLE.

Itinaas din ng regional wage board sa P500 ang buwanang sweldo para sa mga kasambahay, dahilan para umabot na ang kanilang sahod sa P4,500 kada buwan.

“It is expected to benefit 160,795 domestic workers (49,413 live-in and 111,382 live-out),”ayon pa sa DOLE.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement