Connect with us

Concept News Central

DoH: Wala pang lokal na transmission ng Omicron sa Phl

Published

on

SINABI ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang lokal na transmission ng Omicron subvariant ng Covid-19 sa bansa matapos namang magpositibo ang dalawang Pinoy sa Metro Manila na hindi naman bumiyahe sa labas ng bansa.

Idinagdag ni Vergeire na maaga pa para sabihin na umiikot na sa bansa ang Omicron BA.2.12.1 subvariant, na 23 beses na mas nakahahawa kumpara sa orihinal na virus.

“It’s too early for us to say that there is local transmission,” sabi ni Vergeire.

Idinagdag ni Vergeire na patuloy ang ginagawang pag-aaral hinggil sa Omicron BA.2.12.1.

Kasabay nito, tiniyak ni Vergeire sa publiko na pinaigting na ng mga otoridad ang surveillance para malaman kung sino ang posibleng tinamaan ng subvariant.

Hinimok din ni Vergeire ang publiko na patuloy na sumunod sa mga health protocol kagaya ng pagsusuot ng mask, pagpapabakuna at booster para matiyak ang kanilang proteksyon laban sa Covid-19.

“We don’t want the public to get alarmed. What we want is for them to remain vigilant over this variant,” ayon pa kay Vergeire.

Kasabay nito, sinabi ni Vergeire na wala siyang nakikitang dahilan para ibalik ang mga mas mahigpit na community quarantine sa bansa.

Aniya, bumaba ang mga kaso ng Covid-19 sa 146 mula 6 hanggang 12 Mayo.

“We still follow the alert level system and nothing will change because our safety standards and safety criteria are there,” sab ni Vergeire. “The only time that we consider escalating alert levels depends on the surge in cases.”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement