Connect with us

Concept News Central

6 estudyante patay, 2 pa sugatan sa aksidente sa Besao, Mountain Province

Published

on

BAGUIO CITY—DEAD on the spot ang anim na estudyante, samantalang sugatan ang dalawa pa nilang kasamahan matapos na mahulog ang sinasakyan nilang van sa 250 talampakang lalim na bangin Sitio Bunga, Catengan, Besao, Mountain Province.

Nangyari ang aksidente umaga ng Huwebes, 21, 2022, bagamat hapon na nang iniulat sa mga otoridad.

Kinilala ang mga biktima na sina Dalog Kawi Mangallay, 19, driver; Lip-aw Aligan,15; Hazel Solang,19; Ken Lendel Kieth, Alfonso,19, na pawing taga Bab-asig, Quirino, Ilocos Sur; Rhema Sumingwa, 18; at Merly Docyogen,17, kapwa taga Catengan, Besao.

Sugatan naman sina Lander Maticyeng,17, at Novelyn Sagantiyoc,18, kapwa residente ng Patiacan, Quirino, Ilocos Sur.

Pawang mga estudante sa high school ang mga biktima.

Sinabi ni Besao Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer Engr. Mildred Piluden na galing ang mga biktima sa isang pagtitipon sa Barangay Laylaya, Besao, Mountain Province at patungo sana ng Besao nang mangyari ang aksidente.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement