Connect with us

Concept News Central

Paghabol kay Bongbong, Sara, kaya pa ba?

Published

on

SA pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa ngayong Enero 2022, kapwa nanguna ang UniTeam tandem nina dating senador Bongbong Marcos, na nakakuha ng 50% at Davao City Mayor Sara Duterte, na mayroong 44% kayat hindi maiwasang magtanong ng madla kung kaya pa kayang humabol ng iba pang tumatakbo sa eleksyon sa Mayo.

Base sa survey, 31% na ang lamang ni Marcos kay Vice President Leni Robredo na pumangalawa, na may 19%.

Nasa ikatlong puwesto naman sina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Senator Manny Pacquiao, na kapwa nakakuha ng 11%.

Samantala, sumunod naman si Senator Panfilo Lacson na may 6%.

Sa labanan ng pagka bise presidente, lamang din si Duterte kay Senate President Vicente Sotto III ng 11 puntos matapos namang makakuha ang huli ng 33%.

Sumunod ka Sotto si Senator Francis Pangilinan na may 10%, Doc Willie Ong na may 7% at Buhay party-list Rep. Lito Atienza, na may 2%.

Minaliit ng kampo ni Robredo ang resulta ng survey.

Sinabi ng tagapagsalita ni Robredo na si Atty Barry Gutierrez na hindi sila nababala rito.

Idinagdag ni Robredo na ang mga debate na isinagawa nitong mga nakaraang araw ay makatutulong sa pag-angat ng survey ng bise presidente dahil umano sa pagkabigong makadalo ni Marcos sa mga panayam.

Iginiit naman ni Lacson na hindi ang mga survey ang kumakatawan sa desisyon ng tao, kundi ang mismong halalan.

Ayon naman kay Sotto, ang kanyang track record at karanasan ang magbibigay ng boto para sa kanya.

Kung nais talagang makahabol ng mga kumakandidato, kakailanganin nilang magtrabaho nang husto sa kampanya.

Mahaba-haba pa ang kampanya para sila makapag-ikot at makahabol.

Sa bandang huli, ang desisyon pa rin ng mga botante ang mananaig.

Plataporma at ang mga pangakong ng isang kandidato ang magiging basehan para sa pagpili ng mga Pinoy.

Lahat ay nag-aabang kung sino nga ang susunod na magiging bagong pangulo at bagong bise presidente ng bansa.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement