Connect with us

Concept News Central

Anti-Marites ordinance isinusulong sa Valenzuela   

Published

on

Isinusulong ng ilang mga residente sa Lungsod ng Valenzuela ang Anti- Marites Ordinance upang makaiwas sa pagkalat ng nakamamatay na Covid-19 virus.

Ayon sa mga residente, magbuhat umano nang mag-umpisa ang taong 2022, ay halos dumoble na ang bilang ng mga active cases sa Valenzuela kumpara sa mga katabing lungsod nito sa CAMANAVA.

Isa umano sa mga nakikitang sanhi ng ilang mga residente ay ang nagkalat ng mga Marites o yung mga nakikipag-chismisan sa bawat lansangan.

Dahil nito, ay nanawagan ang ilang mga Valenzuelano na ipatupad ang Sangguniang Panlungsod ng ordinansang nagpapataw ng mas mabigat na parusa gaya ng malaking multa o pagkakakulong o pareho sa mga mahuhuling nagtsisismisan.

Sa ngayon ay nasa 41,809 na ang confirmed cases sa lungsod, sa bilang na ito ay 2,326 ang active cases, 134 naman dito ang mga bagong kaso.

Nasa 38,618 naman ang kabuuang bilang ng recovered patients matapos na 103 ang maidagdag sa mga ito.

Umabot naman sa 865 ang kabuuang bilang ng mga nasawi matapos na madagdagan ito ng dalawa.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement