Connect with us

Concept News Central

‘NO VAX, NO RIDE’ UMARANGKADA NA!

Published

on

Nagsimula nang umarangkada ang pag-iinspeksyon ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) nitong Lunes sa mga pasaherong bumibiyahe sa National Capital Region (NCR) sa unang araw nang pagpapatupad ng ‘no vaccination, no ride’ police ng pamahalaan.

Sa Caloocan, inisa-isa ng mga otoridad ang mga driver at mga pasahero ng ilang mga bus at jeep na nagsasakay ng pasahero dito sa Monumento, Caloocan, pero wala pang tineketan o pinagmulta ngayong Lunes sa mga lumabag sa kautusan.

Sinabi ni NCR Regional Highway Patrol Unit head PLt. Col. Joel Mendoza na sinilip nila ang mga vaccination card at valid ID ng mga pasahero. Kapag walang pruweba na siya ay fully vaccinted, ay hindi sila pinapasakay ng pampasaherong sasakyan.

Hindi naman ikinatuwa ng iba pang jeepney driver ang ganitong sistema dahi kinakain nito ang oras nila ng biyahe.

Gayunpaman, pakiusap ng otoridad sa mga tsuper at sa publiko na sumunod na muna sa protocols para makaiwas na sila sa multa o kaya’y mawalan ng prangkisa kapag nahuling nagsasakay ng mga pasahero na hindi pa fully vaccinated.

Paalala naman ng Inter-Agency Task Force, exempted dito ang mga hindi mabakunahan dahil may karamdaman, at ang mga may essential na lakad basta may maipakita lamang silang kaukulang dokumento na magpapatunay nito.

Isang linggo muna ang gagawing paninita ng mga tauhan ng PNP- HPG pero sa susunod na mga linggo ay magmumulta na sila ng mga mahuhuling lalabag sa polisiya.

Samantala, sinabi ng pangulo ng Pasang Masda na si Obet Martin na suportado nila ang hakbang na ito ng pamahalaan.

“Pinabor namin ang department order na ‘to ng (Department of Transportation) at ng (Land Transporation Franchising and Regulatory Board) sapagkat dito’y isa sa bagay na makakatulong tayo upang maibsan [and] totally eradicate itong pandemyang ‘to para makatulong tayo sa ating mga kapwa Pilipino, para hindi na po lumaganap ang COVID-19 na ito.”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement