Connect with us

Concept News Central

Barbie Imperial, hiwalay na kay Diego Loyzaga?

Published

on

Lalong lumalakas ang ugong ngayon na hiwalay na umano ang aktres na si Barbie Imperial at nobyo nitong si Diego Loyzaga lalo na nang maglabasan ang ilang mga social media post ng dalaga.

May mga ilang netizens kasi ang nakapansin na wala man lamang umanong Christmas at New Year messages ang isa’t isa at nasa magkaibang lugar ang dalawa nitong Kapaskuhan.

Katunayan, pinoint-out pa ng ilang mga netizens na puto tungkol sa mga lugar na pinuntahan ni Diego kasama ang mga pinsan niyang taga-New Jersey ang naka-post sa IG account niya.

Makikita rito ang pamamasyal nila sa Las Vegas, ang panonood ng laro ng Brooklyn Nets versus Milwaukee Bucks sa Barclay Center sa Brooklyn.

Nag-road trip din sila kung saan ang aktor mismo ang nagmaneho mula NJ, Pennsylvania pabalik ng NYC. May mga kuha rin sila habang nagsa-shopping at ang latest nga ay ang pagpunta niya sa Washington, DC.

Si Barbie naman, ay ang pakikipag-bonding niya sa mga kaibigan sa showbiz tulad ng paglalaro ng tennis at pagpunta niya sa Aivee clinic para sa kanyang beauty regimen.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement