Connect with us

Concept News Central

Alexa Ilacad, bumanat sa basher

Published

on

Hanggang ngayon ay marami pa ring nagnenega sa aktres at evicted Pinoy Big Brother housemate na si Alexa Ilacad at may ilan pa ngang kumukuwestyon sa dalaga dahil lahat na lang daw ng pinapares sa kanya magmula nang pumasok siya sa Bahay ni Kuya ay “type” daw niya.

Pero hindi pinalampas ni Alexa ang kanyang mga basher, kung saan sinabi ng basher na “In fairness naman talaga tong si Alexa, magaling mag fan service. Lahat type. Hahahaha!”

Na sinagot naman ni Alexa ng “Ha? Hatdog”

Buhat kasi nang maging bahagi ng “Pinoy Big Brother” ay naiugnay na ang dalaga sa iba’t ibang housemates gaya nina Eian Rances, Benedix Ramos, at KD Estrada.

Kamakailan ay magkasama kasi sila ni Eian sa isang sikat na mall sa Pasay para panoorin ang tribute sa kanila ng kanilang fandom.

Ngayon naman ay maingay ang pangalan ni Alexa dahil sa naging sagot nito na “dyodyowain” raw nito si KD if given a chance.

May isang netizen rin ang nagsabi na “user” daw si Alexa at sinabing takot lang itong mawalan ng fans.

“Yung @alexailacad kasi daming ships, ayaw mamili ng isa lang. Ayaw kasi mabawasan ang fans. Legit user @alexailacad with her toxic fans @ALEXAnators,” saad ng isang netizen na ngayon ay deleted na.

Bwelta naman ni Alexa, hindi siya user at naa-appreciate lamang niya ang taong sumusuporta sa kanila.

“I came out of PBB surprised by all of these ships too.. Pero hindi ko kailangan ‘mamili’ because I appreciate ALL supporters from ALL ships. LALONG LALO NA ANG ALEXANATORS KO. dude, It wouldn’t hurt you to spread love and kindness, ok? Ikaw yung toxic eh,” sabi ni Alexa.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement