Connect with us

Concept News Central

Trike driver kinatay nang tulog

Published

on

Isang tricycle driver ang kinulata ng saksak ng kanyang mortal na kaaway habang mahimbing na natutulog sa labas ng kanyang bahay sa Argao, Cebu, Huwebes ng tanghali.

Sa ulat ng Argao Police, 12:40 ng tanghali nang naganap ang insidente sa Sitio Looc, Barangay Poblacion.

Umuugoy-ugoy pa sa duyan ang biktimang si Herminigildo Sanchez Camello (56) nang patraydor siyang salakayin ng kapitbahay na si Dennis Pangandoyon dela Cruz (44).

Halos mawakwak ang tiyan ng biktima. Nagtamo rin ito ng tama sa iba’t iba pang parte ng katawan dahilan upang agaran itong masawi.

Agad namang tumakas ang suspek matapos ang insidente, ngunit mabilis rin itong nasukol sa manhunt ng awtoridad.

Matagal na umanong may hidwaan ang dalawa.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement