Connect with us

Concept News Central

Caloocan Covid teleconsultation inilunsad

Published

on

Naglunsad ang pamahalaang lungsod ng Caloocan ng Teleconsultation para sa mga kasalukuyang nakararanas ng mild Covid-19 symptoms na naka-home quarantine.

Ayon kay Mayor Oca Malapitan, layunin ng programa ang patuloy na ma-monitor pa rin ang mga kalagayan ng mga pasyente kahit sa bahay lamang sila naga-isolate.

Hinihikayat ng pamahalaang lungsod ang mga mamamayan na tumawag para sa libreng konsultasyon mula sa mga doktor ng lungsod upang masigurong magiging maayos ang kalagayan hanggang sa tuluyan silang gumaling.

Para sa mga taga-South Caloocan, maaaring tumawag sa Caloocan City Medical Center (South): 09366905480, Lunes hanggang Biyernes, 8 a.m. – 5 p.m.; 09273743429, Lunes at Martes; 09478922937, Miyerkules, Huwebes at Biyernes sa parehong mga oras.

Para naman sa mga taga-North Caloocan ay tumawag sa Caloocan City North Medical Center: 09293047468, Lunes hanggang Biyernes, sa mga oras na 8 a.m. to 11 a.m. at 1 p.m. to 4 p.m.

Paalala rin ng lokal na pamahalaan na doblehin ang pag-iingat sa pamamagitan ng pagpapabakuna at pagsunod sa minimum health protocols.

Sa mga nakakaranas ng sintomas ay maaari ding magtungo sa mga testing sites upang makakuha ng libreng RT-PCR test.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement