Connect with us

Concept News Central

Sa Navotas, libreng paracetamol

Published

on

Namahagi ang lokal na pamahalaan ng paracetamol, phenlyprepanolamine (para sa ubo at sipon) at vitamin C kahapon sa 5,240 na mamamayan ng Navotas.

Ayon kay Mayor Toby Tiangco, lahat ng pamilyang Navoteño ay kanilang bibigyan ng mga gamot.

Nagbabahay -bahay ang opisina ng alkalde upang mamahagi.

At dahil kailangan ito, sinisikap raw ng lokal na pamahalaan na maipamigay ito sa lalong madaling panahon.

Nagpaumanhin rin ang alkalde kung maaantala ang distribution dahil nabawasan umano ang kanilang team dahil nagkasakit ang iba sa mga ito.

Paalala din ng alkalde: “Prevention is better than cure”.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement