Connect with us

Concept News Central

Outing nauwi sa trahedya, 13 patay

Published

on

Umakyat na sa 13 ang kumpirmadong patay sa kalunos-lunos na sinapit ng outing ng mga kawani ng barangay nang madisgrasya ang sinasakyan nilang delivery truck sa Balingasag, Misamis Oriental kahapon.

Ayon sa Balingasag Police, 10:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa Purok 4, Sitio Bagaay, Barangay Baliwagan.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng nasa 43 na sakay ng elf truck (AAR 6998), kabilang na ang mga pamilya ng mga kawani ng gobyerno.

Patuloy pang sinusubukang isalba ang buhay sa pagamutan ng mga sugatan.  Siyam sa 13 na nasawi ang patay antimano, habang ang apat ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

Lahat ng kasama ay residente umano ng Barangay Aposkahoy Claveria.

Ayon sa mga nakaligtas, nawalan umano ng preno ang sasakyan saka bumaligtad, dahilan upang tumilapon ang mga sakay nito habang ang iba ay naipit pa sa ilalim ng nakataob na delivery truck.

Papunta sana umano ang mga ito sa Del Mar Beach Resort and Swimming Pool sa Lagonglong.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement