Connect with us

Concept News Central

Grounded lolo ‘naburyo’, nagbigti 

Published

on

Isang matandang lalaking naburyo umano dahil ayaw payagang lumabas dahil sa Covid ang patay matapos magbigti sa Tuguegarao City kahapon.

Sa ulat ng Tuguegarao Police, 3:00 ng madaling araw nang matagpuan ng kanilang kasambahay ang biktimang nakabigti sa bintana ng silid nito sa Sunshine Valley Homes, Pengue Ruyu.

Lumalabas na ipinulupot umano ng biktima sa kanyang leeg ang kumot na itinali sa kanilang kama, saka tumalon sa bintana.

Bago iyon, naalimpungatan pa umano ang kanilang kasambahay nang makarinig ng malakas na kalabog mula sa silid ng kanyang mga amo.

At dahil nga matatanda na ay inakala niyang nahulog ang mga ito kaya mabilis niya itong pinuntahan.

Laking gulat na lamang niya sa nadatnan.

Agad niyang ginising ang among babae na noon ay mahimbing na natutulog, saka humingi ng tulong sa mga awtoridad.

Ayon sa asawa ng biktima, bago umano siya makatulog ay nagsalita pa umano ang mister na wala na umanong kwenta ang mabuhay pa gayong nakakulong din lang naman umano sila.

Ayaw umano kasing payagan ng kanilang mga anak ang mag-asawa na lumabas dahil nga, sa kanilang edad, delikado nang mahawaan ng Covid-19 ang mga ito.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad, at inaalam na rin kung may foul play.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement