Connect with us

Concept News Central

Free RT-PCR sa Caloocan dinadagsa

Published

on

Marami pa rin sa mga mamamayan ng Lungsod ng Caloocan ang pumipila para sa libreng RT-PCR test sa mga regular testing sites at mobile antigen test.

Nagpapasalamat naman si Mayor Oca Malapitan sapagkat makikita sa dami ng pumupila na responsableng mamamayan ang mga ito.

Batid umano ng mga mamamayan ang kahalagahan ng testing nang sa gayon ay mapigilan ang hawahan sa mga komunidad.

Paalala rin ng alkalde sa mga mamamayan na, kung nakararanas ng sintomas, ay kaagad mag-isolate at magpa-test. Higit sa lahat, magpabakuna, ayon pa sa kanya.

Samantala, tuluy-tuloy pa rin ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa lungsod para sa mga residente nito at maging sa non-Caloocan residents.

Sa huling datos mula sa Caloocan City Health Department, y nasa 95.93 percent na ng kabuuang target na 1.2 milyong populasyon ang nabakunahan ng first dose, habang nasa 86.86 percent naman ng kabuuang target ang fully vaccinated na.

Patuloy din na hinihikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak na edad 12 hanggang 17.

Para naman sa mga nais magpa-booster shot, siguruhin lamang daw na tatlong buwan mula nung second dose at dalawang buwan naman kung nabakunahan ng Janssen vaccine.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement