Connect with us

Concept News Central

Caloocan: No vax, no entry

Published

on

Mahigpit na ipinapatupad sa mga pampublikong lugar at mga establisyemento sa lungsod ng Caloocan ang “No Proof of Vaccination, No Entry” policy.

Ayon kay Mayor Oca Malapitan, nagsasagawa na ngayon ng random inspection ang mga kawani mula sa Caloocan City Public Safety and Traffic Management Department upang tiyaking naipatutupad ang ordinansa.

Sa entrance pa lamang ng mga establisyemento, tinitingnan na ang mga vaccination card ng bawat pumapasok na indibidwal kasabay ng pagkuha ng body temperature, pag-fill out ng health declaration form o pag-scan ng StaySafe.ph QR code.

Ayon ka kay Malapitan, layunin ng Ordinance 0959 (2022) na limitahan ang paglabas ng mga mamamayang hindi bakunado sa ilalim ng Alert Level 3 o mas mataas pang quarantine status maliban na lamang kung essential.

Sa ganitong paraan maiiwasan na magkaroon ng Covid-19 ang mga hindi bakunado na malaki ang tyansang magkaroon ng severe symptoms na maaaring mauwi sa pagpapa-ospital o pagkamatay.

Paalala rin sa mga mamamayan na laging dalhin ang vaccination card kung lalabas ng kanilang mga tahanan o papasok sa mga pampubliko o pribadong establisyemento sa lungsod.

Kasabay nito, patuloy ring hinihikayat ang mga mamamayan na magpabakuna na.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement