Connect with us

Concept News Central

3 kalaboso sa shabu

Published

on

Sa kulungan ang ending ng tatlong “drug personalities” na nakuhanan umano ng mahigit P200,000 na halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Caloocan City kahapon.

Una munang nakatanggap ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ng Caloocan Police mula sa kanilang regular confidential informant hinggil sa pagbebenta ng shabu ng isang Wilson Lañada (21), residente ng 5th Avenue, Barangay 55, dahilan upang magsagawa ng one week surveillance dito.

Nang positibo ngang nakumpirma ang tip ay agad din silang nagkasa ng operasyon na nauwi sa pagkakaaresto sa kanya at sa kasama niyang si Glenn Dupang (32) na umano’y parokyano ni Lañada.

Nasakote mula sa mga ito ang tinatayang 25 grams ng hinihinalang shabu (P170,000) at buy bust money.

Bago iyon ay naaresto rin ang isang Roderick Sanchez, alyas Bong Bukol (52), sa kahabaan ng Rizal Avenue, Barangay 71, matapos na magawang makabili sa kanya ang isang police poseur buyer ng pinaghihinalaan ding shabu.

Nasamsam mula kay Sanchez ang tinatayang nasa 10 grams ng hinihinalang shabu (P68,000) at buy-bust money.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002).

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement