Connect with us

Latest

Lalaki sa manibela inabutan

Published

on

Isang lalaki ang patay matapos atakihin sa puso habang nagmamaneho, dahilan upang madisgrasya ang kanilang sinasakyan kasama ng limang iba pa sa Ilocos Sur, Linggo ng madaling araw.

Sa ulat ng pulisya, 5:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa isang national highway sa Barangay Quinarayan, Narvacan, ng nasabing lungsod.

Binabaybay ng biktimang si Allan Sawadan y Balido, 48, may asawa, residente ng Zone 3, Bangued, Abra, pa-Timog  sakay ang ng isang puting Toyota Fortuner nang bigla na lamang umanong makaramdam ng paninikip ng dibdib.

Ayon sa limang sakay ng biktima ay sinubukan pa umanong magmaneho ng normal ng biktima sa kabila ng matinding sakit ng dibdib ngunit hindi umano ito kinaya ng biktima hanggang sa tuluyan nang mawalan ito ng kontrol sa manibela at sumalpok sa isang concrete fence na nasa eastern shoulder ng highway.

Wala namang sugatan sa mga sakay ng Fortuner na sila ring nagsugod sa biktima sa Ilocos Sur District Hospital ngunit idineklara na itong dead on arrival.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement