Connect with us

Latest

P102M halaga ng shabu nasakote sa Caloocan

Published

on

(Photo and video by Analy Labor)

Hindi bababa sa P102 milyong halaga ng shabu ang nasakote ng mga alagad ng batas sa Lungsod ng Caloocan kaninang madaling-araw

Nakilala ang suspek na si Randy Rafael Rodriguez, alyas R-R, 42-anyos, na residente ng Lungsod ng Pasay na dumayo pa sa Caloocan para makipagtransaksyon.

Sa ulat ni PDEG Dir. PBGen. Remus Medina, alas-12:20 ng madaling-araw nang magkasa ng buy-bust operation ang pinagsama-samang mga operatiba bg PDEG SOU NCR, PDEA NCR at NCRPO sa kahabaan ng Baesa Road, Brgy. 161 ng nasabing lungsod.

Nasamsam mula sa suspek ang nasa 15 kilo ng shabu na may street value na P102,000,000.

Nakasilid umano ang nasabing droga sa 15 na Chinese Teabag na siya sanang ibibenta ng suspek.

Napag-alamang nagtatrabaho umano ang suspek sa isang Chinese drug personality na kilala umano sa Alyas Lim na siya namang nagdi-distribute ng ilegal na droga sa NCR at mga kalapit pang mga probinsya.

Ang terms of payment umano ng mga ito sa bawat transaksyon ay consignment basis o spot cash depende sa kapasidad ng buyer.

Ang mga items naman o ilegal na droga ay pwedeng i-deliver ng personal o dead drop.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Camp Crame ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement