Connect with us

Concept News Central

P54.57M shabu nakumpiska sa Taguig City

Published

on

NAKUMPISKA ng mga otoridad ang P54.57 milyong halaga ng shabu matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Taguig City.

Arestado rin ang dalawang suspek sa isinagawang operasyon ng mga miyembro ng Southern Police District Drug Enforcement Unit (DDEU) ganap na alas-11:15 ng gabi sa Block 128 Lot 4, Bgy. Maharlika, Taguig City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Marisa Asi, 34, at Muslimin Kamid, 32, kapwa residente ng Bgy. Maharlika.

Narekober ng mga operatiba ang limang sachet ng shabu na tumitimbang ng 25 gramo at nagkakahalaga ng P170,000; walong pakete ng shabu na tumitimbang ng walong kilo at nagkakahalaga ng P54.4 milyon; at isang P1,000 bill na buy-bust money.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement