Connect with us

Concept News Central

Sistema sa Dolomite Beach, kailangan

Published

on

NGAYONG Linggo, libo-libong tao ang dumagsa sa Dolomite Beach sa kabila ng umiiral na pagbabawal sa mass gathering at kung hindi ito mapipigilan, magdudulot ito ng panibagong pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19).

Nababahala kapwa ang mga healthworkers at mismong ang Department of Health (DoH) sa pagdami ng mga taong nagtutungo sa Dolomite Beach.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na dapat masolusyunan ng Department of Interior and Local Government (DILG) para mapigilan ang patuloy na pagpunta ng mga tao sa Dolomite Beach.

Idinagdag ni Vergeire na kahit na may mga minimum public health standard, napakahirap naman itong ipatupad sa harap naman ng sobrang dami ng taong dumadagsa sa Dolomite Beach.

Dikit-dikit na kasi ang mga tao sa Dolomite Beach.

Ayon pa kay Vergeire, kahit open space ang Dolomite, may posibilidad pa rin na kumalat ang impeksyon ng COVID-19 dahil itinuturing itong isang superspreader event.

Kung mangyayari ang pinangangambahang paghahawain ng COVID-19, hindi malayong babalik na naman muli tayo sa mas mahigpit na alert level.

Dapat ay natuto na tayo sa pabalik-balik na mga mahigpit na community quarantine at pagsikapan na mababa pa ang mga kaso ng COVID-19 para tuloy-tuloy na rin ang pagbubukas ng ekonomiya.

Kung nais ng pamunuan ng Dolomite Beach na magpatuloy ang operasyon ng lugar, dapat ay makaisip ito ng sistema para sa maayos na pagtanggap ng mga tao na gustong dumayo sa lugar.

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement