Connect with us

Concept News Central

Pababakuna sa 12.7M edad 12-17 target na matapos sa Disyembre

Published

on

TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 12.7 milyong edad 12 hanggang 17 bago matapos ang Disyembre 2021.

Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez, Jr. na sakop ng pagbabakuna ang lahat ng mga kabataan, kabilang na ang mga may comorbidities.

“Ang maganda pa rin po maunahan — matapos muna natin po ‘yung ano, ‘yung ating mga kabataan at least mga December para at least ano po ‘yung mga ibang susunod na mga sector na magkakaroon po ng third dose after the healthcare workers hindi po magkahalo-halo at saka ma-priority po natin ang mga bata,” sabi ni Galvez.

Ayon pa kay Galvez, layunin din ng pagbabakuna na matanggal ang takot ng mga bata matapos naman ang kontrobersiya kaugnay ng Dengvaxia.

“Kapag naging successful po tayo sa ano po, sa vaccination natin sa mga bata, ito po mawawala na po ‘yung stigma natin sa Dengvaxia. Ito po ang medyo nag-aano sa atin na nag-suffer ang ating ano, ang ating vaccination program even sa rubella, tigdas at saka po sa ano sa polio because of that Dengvaxia stigma,” ayon pa kay Galvez.

 

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement