Connect with us

Concept News Central

Kim Chiu nagpasikat sa anniversary prod sa It’s Showtime, Xian Lim pinuri ang gf

Published

on

Nagpasikat nang todo si Kim Chiu sa kanyang production number para sa selebrasyon ng unang anibersaryo niya sa “It’s Showtime,” kung saan sumayaw siya na may pa-rain shower effect pa.

Sinorpresa ni Kim sa kanyang pagtatanghal hindi lang ang madlang pipol na nanonood ng Kapamilya noontime show, kundi pati ang kanyang “It’s Showtime” co-hosts.

“Akala ko nga ‘Magpasikat’ na e,” papuri ng isa sa “It’s Showtime” main host na si Vhong Navarro sa anniversary prod number ni Kim.

Ang “Magpasikat” ay taunang friendly competition ng mga host sa tuwing sasapit ang anibersaryo ng “It’s Showbiz.”

Hindi naman napigilang maging emosyonal ni Kim nang magpasalamat na siya para sa kanyang unang taon sa show.

“Sobrang thank you lang. Di ko alam saan ako magsisimulang magpasalamat. My heart is very thankful una sa ABS-CBN. Pangalawa dito sa naging tahanan ko,” sabi ni Kim habang umiiyak.

Nagpasalamat din siya sa mga kasamahan sa noontime show. “Sa mga co-host ko, maraming salamat kasi each and everyone may natutunan ako sa inyo. And hindi niyo ko hinusgahan. Kay Mami Vice, maraming salamat. Lahat ng sinasabi mo nasa isip at puso ko yun.”

Sabi pa ni Kim, marami siyang natutunan sa show at mas lalo niyang hangad na makapagbigay ng kasiyahan at inspirasyon sa madlang pipol.

“I’ve learned a lot. Every day is a learning experience. Every day is a chance na binibigay niyo sakin. Dahil ang gusto ko lang magpasaya at maka-inspire ng tao,” ani Kim.

Samantala, hanggang sa kanyang Instagram ay puno ng pasasalamat si Kim.

Ayon sa caption ng kanyang IG post, “My heart is full! Maraming Salamat it’s SHOWTIME FAMILY! A year full of laughter, goodvibes, learning experience, inspiration and extra extra tawanan.

Ang sarap tumawa kasama ang pamilya! Thank you for this great opportunity. Salamat po ng maraming marami! Thank you po for celebrating my one year dito sa show, umulan ng pagmamahal.

Punong puno ng pasasalamat ang puso ko. Sa lahat ng bumubuo at sumusuporta sa its showtime, MARAMING MARAMING SALAMAT PO Katulad nga po ng sabi ko kanina, may this show continue to live its purpose, to bring love, inspiration, victory, hope and most especially JOY sa lahat ng ating madlang pipol. MABUHAY PO KAYO SHOWTIME FAM! I Love you all.”

Nagkomento naman sa post na ito ang boyfriend ni Kim na si Xian Lim, na pinuri ang girlfriend niya.

“Grabe! super galing! Congratulations love! Keep on showing them what you’ve got! You’re the hardest working person I know. Galing mo!”

Nireplayan naman ito ni Kim ng, “thank you lovie! (heart) as always!!!”

Advertisement

LIKE US ON FACEBOOK

Advertisement
Advertisement